For My Catnappers

Cat Claws

Archives

Meow Me

Caterwauling

Thank Meow

Pat the Cat
Name

URL or Email

Messages(smilies)

Of Cats and Men
Do you know how it feels like to be a cat inside a bag, ready to be drowned in a river? You tell me and I'll tell you you're wrong. That is, of course, coming from where I'm coming from (pun intended).

Wednesday, October 12, 2005

Publikasyong Iglap ng Maikling-maikling Kuwento Hinggil sa Karahasan sa Kilusang Manggagawa

Kasalukuyan kaming naghahanap ng mga maikling-maikling maikling kuwento o dagli na tumatalakay sa lalo pang paparahas na kalagayan ng mga manggagawa sa Pilipinas. Sa partikular, naghahanap kami ng mga kuwentong tumatalakay at tumutuligsa sa brutal na pagpaslang kay Ka Fort ng unyon ng Nestle at sa iba pang mga manggagawa at kilusang manggagawang kumakaharap ng pagsasamantala ng mga kapitalista. Gayundin, naghahanap kami ng mga kuwentong tumatalakay sa patuloy na pagwelga at paglaban ng unyon at mga manggagawa ng Nestle at ng iba pang kolektibong laban ng mga unyon at manggagawa. Ito ang susunod na lalamanin ng espesyal na isyu ng Publikasyong-Iglap.

Ang Publikasyon-Iglap ang kagyat na pagtugon ng mga manunulat hinggil sa kaganapan sa ating bansa. Nauna na na nitong inilathala ang Pakikiramay (2004, pagpugay sa mga biktima ng masaker sa Hacienda Luisita) at Truth and Consequence (2005, koleksyon ng tula sa kampanyang Oust Gloria!).

Maaaring magpadala ng isang maikling-maikling kuwento kada awtor. Maximum ng tatlong pahina, doble espasyo. Ipadala kasama ang maikling bionote o writer's profile at kontak na mga numero sa
mangiglap@yahoo.com at/o mangewan@gmail.com. Para sa mga katanungan, magpadala ng email kina Rolando Tolentino, Joey Baquiran at/o Mykel Andrada o di kaya'y kumontak sa 0915-4413324 at/o 0919-6384488.

Ang deadline ay sa Nobyembre 15, 2005.




Monday, July 18, 2005

L A G D A
Opisyal na Publikasyon (Refereed)
ng Departamento ng Filipino at Panitikan ng Pilipinas,
Unibersidad ng Pilipinas - Diliman


Mahal na mga Kasama:

Pagbati!

Kasalukuyang nangangalap ng mga artikulo at malikhaing akda ang Departamento ng Filipino at Panitikan ng Pilipinas (DFPP) para sa isyu ng Lagda hinggil sa Kulturang Popular, Sekswalidad at Panitikan. Kaugnay rin ito ng planong pagbubuo ng teksbuk na magagamit sa pagtuturo ng Pan Pil 17 (Panitikan at Kulturang Popular) at Pan Pil 19 (Panitikan, Kasarian at Sekswalidad) sa Unibersidad.

Malugod namin kayong iniimbitahang magsumite ng inyong mga natatanging sanaysay at pananaliksik, at mga maikling kuwento, tula, dula at iba pang porma ng malikhaing akdang tumatalakay sa masalimuot na larangan ng kulturang popular at sekswalidad sa Pilipinas. Ilan sa mga iminumungkahi naming paksain ninyo ay ang sumusunod:

1. Ang Transpormasyon/Transisyon ng mga Serye sa Komiks Tungong Teleserye (Kampanerang Kuba, Panday, Darna at iba pa)
2. Independent Film Making sa Pilipinas
3. Panitikan sa Internet (blog, fan fiction, hypertext, atbp)
4. Gay at Lesbian clubs/pubs (Government, Red Banana, Fahrenheit, atbp)
5. Panitikang Chic o Chic literature
6. Panitikang popular sa mga rehiyon (nobelang romansang Iluko, Bisaya, atbp)
7. Piniratang DVD sa Quiapo
8. Gloria-gate CD, ringtone at text jokes
9. Artista bilang kultural na texto (Anne Curtis, Ethel Booba, Willie Revillame, atbp)
10. Pagsulpot ng iba’t ibang All Male Groups (Viva Hot Men, Masculados, Barakos, atbp)
11. Reproduksyon at Refabrikasyon ng tv game shows (Game KNB?, Wowowee, atbp)
12. Pagsulpot ng Gateway sa Cubao
13. Birtuwal na relasyon: E-chat, Avatar, Friendster, hi5, Photobucket, Flickr, atbp
14. Bagong advertising strategies ng fastfood chains tulad ng McDonald’s atbp
15. Virgin Cola
16. Star Circle Quest, Starstruck, American Idol, Hollywood Dream, atbp

Ang mga akda ay dapat nakasulat sa Filipino, kompyuterisado (Times New Roman, 12 font size, double space), orihinal at hindi pa nalalathala. Ang mga sanaysay at pananaliksik ay dapat sumunod sa APA Manual of Style. Punan ang mga kahingian sa Form 1 (Atestasyon ng Orihinalidad) na makukuha kay Ate Susan o Ate Marie ng DFPP. Ipadala ito kasama ang tatlong kopya ng inyong akda at ang diskette copy nito sa: Isyu Editor, Lagda, DFPP, UP Diliman. Sa Hulyo 30, 2005 (Sabado) ang huling araw ng pagsusumite.

Para sa mga katanungan, magpadala ng e-mail kay G. Mykel Andrada at/o kay Prop. Will Ortiz sa
puzong@gmail.com o di kaya’y mag-text sa 0915-4413324.

Malugod naming aasahan na kayo’y makatrabaho.

Maraming salamat!


Sumasaiyo,

Prop. Eugene Y. Evasco
Editor ng Isyu, Lagda

G. Mykel Andrada
Prop. Will Ortiz
Mga Kawaksing Editor



Monday, April 04, 2005

ANTOLOHIYA HINGGIL SA KILUSANG PAGGAWA

Inaanyayahan ang lahat ng mga manggagawa at mga manunulat na magsumite ng kanilang mga maikling kuwento para sa isang antolohiya hinggil sa Kilusang Paggawa sa Pilipinas, sa partikular, ang pagpupursigi ng Kilusang Mayo Uno at iba pang konektado rito, hinggil sa mga isyu ng manggagawa at sa pakikipagsapalaran, pakikibaka, at tagumpay ng Kilusang Paggawa sa Pilipinas sa pamamagitan ng isang kolektibong pagkilos.

Nais taluntunin ng antolohiyang ito ang kasaysayan ng kilusang paggawa sa Pilipinas (at ang koneksyon nito sa pandaigdigang kilusang paggawa), ang mga isyu ng manggagawa tulad ng kontraktwalisasyon, subkontraktwalisasyon, “rationalization” ng mga ahensiya’t institusyon ng pamahalaan, relasyon ng kapitalista at manggagawa, relasyon ng mga manggagawa, unfair labor practices, sexual harassment sa pagawaan, mga personal (at pulitikal) na testimonya, at ang pagbubudyong ng vanguard class ng isang kolektibong pagkilos upang makamit ang tunay na kalayaan at demokrasya. At marami pang iba.

Itataon ang publikasyong ito sa pagdiriwang ng Araw ng Paggawa sa Mayo 1, 2005. Kung kaya, inaasahan naming maipadadala ninyo ang inyong mga kontribusyong maikling kuwento tungkol sa at/o likha ng manggagawa sa Abril 13 (Miyerkules).

Ipadala sa
mangiglap@yahoo.com. Kung may katanungan, magpadala ng email kina Joey Baquiran, Joi Barrios, Roland Tolentino o Mykel Andrada ng Congress of Teachers/Educators for Nationalism and Democracy (CONTEND) ng UP Diliman o di kaya’y magtext sa 0915-4413324.

Maraming salamat!


Friday, April 01, 2005

PANAWAGAN PARA SA KONTRIBUSYON SA PUBLIKASYONG-IGLAP HINGGIL SA TERORISMO NG ESTADO

Ito na naman kami. Wag kayong mabibigla.

Ang publikasyong-iglap ng Congress of Educators/Teachers for Nationalism and Democracy (CONTEND) ay muling nananawagan at humihingi ng kontribusyon para sa isang aklat hinggil sa tumitinding atake laban sa mga progresibong indibidwal at grupo, sa partikular, sa Bayan Muna. Sa loob lamang ng walong araw, limang indibidwal ang tinambangan na – dalawang human rights lawyer, isang pesante, isang city councilor, at iba pa. Ito’y manipestasyon ng tumitinding terorismo ng estado laban sa mga tumutuligsa rito.

Ayaw na natin ng may susunod pa. Kaya heto ang abang kontribusyon sa mala-kisap-matang pagpaslang na nagaganap ngayon. Dahil ang isang iglap ng pagkitil – ang sistematikong maiglap na pagkitil ng estado – ay kailangan agarang tapatan sa pamamagitan ng iba’t ibang porma, isa na ang publikasyong-iglap. Ipadala ang inyong kontribusyon – tula, dagli (maikling-maikling kuwento), maikling kuwento, sanaysay, statement, titk ng awit at iba pang genre – para sa publikasyong iglap.

Dahil nga ito ay mabilisan, ang deadlayn o huling araw ng pagsusumite ay sa Abril 8 (Biyernes). Ipagpaumanhin ang maikling panahong inilalaan, dahil HINDI NA ITO MAKAPAGHIHINTAY PA!

Ipadala sa
manlabusaw@yahoo.com. Kung may katanungan, hanapin sina Joey Baquiran, Joi Barrios, Roland Tolentino at Mykel Andrada, o tumawag / magtext sa 0915-4413324 o mag-email sa manlabusaw@yahoo.com.

Ang Publikasyong-Iglap ay proyektong kultural at pulitikal ng CONTEND na agarang tumutugon sa matitinding isyu ng panahon at lipunan. Makiisa!

Maraming salamat.


Thursday, February 03, 2005

EROTIKA/O

Inaanyayahan ang lahat ng mga kuwentista na magsumite ng kanilang maikling kuwento para sa book project na Erotika/o ng KATHA. Ang KATHA ay isang grupo ng mga makabayang kabataang kuwentista sa Filipino.

Layunin ng aklat-proyekto na tipunin ang pinakamahuhusay na maikling kuwentong nakasulat sa FILIPINO na pumapaksa sa erotika/o. Paksain ang lahat ng karanasan at bagay na may tuon sa konstruksyon, produksyon, dekonstruksyon at reproduksyon ng erotika/o: mula sa mga personal na danas hanggang sa pulitika at estetika ng nagbabagu-bagong konsepto ng libog, libido, subliminal, sekswal na usapin, at ang mga relasyong pangkapangyarihan, pangkasarian, pang-ekonomiya’t pampulitika na bumabalot at iniinugan ng Erotika/o.

Halimbawa, talakayin kung paanong ang kabataan sa kasalukyang panahon ay nagdidiskurso ng kanyang erotisismo at kaluguran – sa tao, hayop, bagay at kalikasan. Paano magpahayag ng erotisismo ang isang katulong o jeepney driver o janitor? Bakit kapag nakakakita ka ng saging ay hindi lang pagkain ang naiisip mo? Bakit matamis ang santol? Bakit bawal makipagtalik sa loob ng simbahan? Paano nagkakaroon ng kapangyarihan ang tao sa dilim? At marami pang iba. Ikaw na ang bahalang dumiskarte.

Ipadala ang inyong mga maikling kuwentong erotiko/a sa
katha_erotika@yahoo.com o di kaya’y sa manlabusaw@yahoo.com. Para sa mga katanungan, magpadala ng email sa nasabing mga address o di kaya’y magtext sa 0917-8344746. Ang mga isusumiteng akda ay daraan sa pagpili ng mga editor na sina Rolando B. Tolentino, Joi Barrios, Joey Baquiran at Mykel Andrada.

HULING ARAW (DEADLINE) NG PAGSUSUMITE: PEBRERO 28, 2005.



Saturday, September 04, 2004

Last Entry aka An Attempt at Dismantling Simulacra

Dear Everyone,

This pains me. The act of ending something that I have started. Something that I have cultivated for so long. But let this be my swan song, for now. My last entry.

Catukayo will forever be with you.

I feel that I have defeated the purpose of blogging, i.e. to write without censorship, without inhibitions. To write freely. But lately, I have found myself consigned to rules, my privacy invaded, and my words concealing feelings and lying, badly lying. Needless to say, it was and still is not a good feeling.

I once told Mitzie not to delete her blog. So she created a new one.

I have a new blog. I bore it into this cyberworld Wednesday, September 1, 2004. But accept my apologies. Only I will be able to read it.

Instead of writing THE END, I write here START.

See you in real life.

Best wishes,
Mykel



Sunday, August 22, 2004
si ma'am! (mula sa flickr account ni piya)

si ma'am!
Originally uploaded by piya.

Mayroon kaming titser dati na mukhang pusa. Tsaka boses pusa. Pero hindi ko na ilalagay kung sino siya dito sa blog ko. Anyway, dahil sa features na iyon ni Ma'am, pinangalanan itong pusang ito na Ma'am dahil sa sobrang kakyutan. Nakuha ko ito mula sa flickr account ni piya. At dahil mahilig ako sa pusa, eto na siya sa aking blog, at wala sa trash can.





Another Sunday

In a few minutes I'll be going to UP again. Yesterday I spent the whole afternoon in UP's Filipino Department to finish immediate matters related to the LanDICHOhan, Parangal kay Dr. Domingo Landicho, who's to retire this October. The memo informing me that I'm to be punong-abala of the said event came to my pigeonhole only three weeks ago; I surmise it's not enough time to come up with a rather bongacious program.

Anyway, I'm glad UGATin friends helped me with some difficult technical matters, such as the layouting of posters, tarpaulin, and invitation. And the like. We left UP around 11pm. I got home around midnight and tried to pamper myself with small talks with my mom and my friend Chitchat.

Now, I'm all set to go back to UP; to finish my report for tomorrow. I have made my outline two days ago, and all I need is to eviscerate words and to systematically and logically put them into writing. The 12 books that I borrowed from the library should be enough to cover my report on ANG PAGPAPASULPOT NG MGA ISKOLAR PAMPANITIKAN MULA SA MGA REHIYON.

Hopefully, in three hours time I'll be printing my paper. And hopefully, I'd be able to join Caloy and Piya on an ukay-ukay and bookhunting trip in Cubao later this afternoon.


CONSPIRACY

Punta kayo sa Conspiracy Garden Cafe sa Visayas Avenue sa Martes, Agosto 24, 9pm. Gabi ito ng "Tulang UP, Makatang DFPP" bilang bahagi ng pagdiriwang ng Buwan ng Wika ngayong Agosto. Magtatanghal ako kasama ang gitaristang-gurong si Vlad ng maikling awitin ng The Beatles.



Saturday, August 21, 2004

New Blogs and New Blog Buddies

N, a friend of mine who recently won a Palanca for her poetry, changed her blog.

P, my dear friend and library buddy, created her own blog a week ago.

V, who's very upset right now because of his mother's incongruous accusations, has Justin Timberlake for his newly-created blog's skin.

F, my dear dear friend, is contemplating on starting a new blog because he thinks he's moving on. And possibly, in love.

And I. I squint.

There. She. Goes. There. She. Goes. Again.



Sunday, August 15, 2004

Paglalatag

Mabilis lang ito. Kanina, habang papabalik sa UP galing sa Napoli's sa Timog ay napakislot ako habang nakatingin sa langit. Madilim na noon, at sa gitna ng ingay nina Caloy, Regan at Veejay -- at sa gitna ng katahimikan ni Piya -- ay biglang parang bumagsak na kumot ang ulan sa bubungan at salamin ng kotse ni Veejay. Sabi ko sa sarili, "lumalatag na naman ang tubig."

Marami talagang naiisip ang tao kapag umuulan: takot sa baha, mga damit na kailangang isilong, bintanang dapat ipinid, panalangin na walang pasok kinabukasan, mga alagang pusang pinangangambahang tikatikin ng luhang-ulan, at payong -- payong na laging nakakalimutan.



Saturday, August 14, 2004

Barangay Tanod

May partikularidad ang tanod,
tulad ng daniw sa isang malabay
na pagtatagpo. Nagbabantay,
nakatayo man o nakaupo,
nang lapat sa lupa ang talampakan,
ang pinaka-aba
sa lahat ng abang ginoo.

Matampusa ang kaniyang paningin
kahit na lango sa gin (pangimay
sa haplit ng lamig). Sabi niya,
marahil, sa isang nangangaligkig
na tinig: "Pinagpapawisan sa lamig
ang langit." Nangungusap siya
na parang lambong ng mga dahon
ng kawayan sa kaniyang ulunan.

Pinagyayakap niya ang mga palad,
sariling paghuhulas ng init
habang inuusal sa isip
kung kamusta kaya
ang kaniyang kaniig-kamay.
Alam niyang ang alaala
ay mas matapang pa
sa barakong gin.
Ganun kung manulay ang dibdib
sa mga gabing malamig.



Sunday, August 08, 2004

Lost Files: X Files

The computer technician left a few minutes ago. He had a lonely austere look when he left, maybe because the news he delivered to me was as sad as a grave: CAN'T RETRIEVE YOUR FILES.

I’m on panic mode. Imbey! Things like this, I only have myself to blame. Bakit di ka kasi nagba-backup ng files? That’s generally the sentiment I elicited from some friends I texted. You can write other masterpieces, they say. But it’s not the idea of magnum opuses I’m really tinkering with. It’s the thought of a history I have written. Of a life that I have lived. And it’s not just the literary life.

I have a lot of researches that I have entrusted my computers for safe-keeping. Seven years of academic and scholarly research. Eight or more years of theoretical application work. Everything down the drain. How am I going to rewrite them? I have deadlines to meet. Sana lang makuha ko mula sa mga titser ko (kung nandito pa sila sa Pilipinas at kung di pa sila buwang o kaya’y nahihimbing na sa sementeryo) ang mga ipinasa kong papel dati.

A week or two ago, when I finally realized that this mammoth worm of a virus infected my computers, I was still optimistic that a techie will be able to save my works. But now that the techie had tried all morning to do a Jesus-to-Lazarus spectacle, needless to say, the miracle was as elusive as my wish for a no-rain-day today.

Hay Mykel. Don’t wallow too much. Start anew. Mantra. Mantra. Mantra. My tummy’s grumbling. Time to eat.



Monday, August 02, 2004

(Familia)rity

While crossing the busy Commonwealth Road from Wendy's Tandang Sora, 8pm, I was tinkering with a thought, a happy thought: Appointment. Finally, after two months of waiting, I received a copy of my appointment as Instructor. A week more and I will have my salary in bulk. :)

I almost got hit by a bus. I snarled a bit, trying to gain composure. Then I thought of a first liner for a future poem: "Pinaka-aligaga ang lungsod tuwing umuulan." Jeeps and cars were honking, and I was pretty sure that their tires were tired due to ennui. The Winston Lights I lit while waiting for Daryl and Vlad to board an SM Fairview bus was 2/3 consumed when this vagrant psychotic approached me and asked for my cigar. I gave it to him immediately and he drew open his curtain lips to show his dirty teeth. "Ayos lang po," I said and then he walked away, waving at me in glee.

After four Quiapo-bound jeeps passed, the Quiapo-bound jeep I was waiting for arrived. My Quiapo-bound jeep was (and will always be) a jeep with an empty front seat. This space allows me to smoke. Three sticks measure my Philcoa-Welcome, Rotonda travel. The night cold was biting my skin and gnarling my hair. Buti na lang strong hold ang gel ko. I saw my face in the right side mirror. It was blurry because of the jeep's velocity.

I got home around 9pm. My mom was doing the dishes. She asked me if I saw Jay-ar outside. Told her hindi. Tried to finish some school stuff. Logged on. While surfing for some theoretical goobles on R. M. Rilke for a paper I'm writing about time-space continuum in poetry, my mom, voice in distress, called my name. It was about my dad. When I went upstairs, my dad was (and is still) a mess, lying on the bed. He was half-unconscious, drunk and words coming out of his mouth were garbled. "Maya't maya tumatayo siya tapos inuuntog ang ulo sa dingding," my mom said. "Lasing ba?" I asked while touching his neck. He felt cold like the night wind. My mom asked me to get a glass of water.

When I went upstairs, my dad was on the floor. He wanted to go downstairs and poo, but his legs, limping, failed him. I called on Mark to help me help our dad stand up. "Ambigat!" Mark and I wailed. Mark was laughing, while I was, again, remembering distaste. My head was a heavy pendulum in constant swing. Then I remembered that a few hours ago, my favorite mp3 downloads CD broke. Daryl gave it to me two weeks ago. My favorite track and music video: Fiona Apple's Paper Bag. I texted her. She said that she still has a copy of the same selection. She promised to give me another copy. Yes!

Good night, Mykel. See how your dad's doing.




Macho Bedspacer

This is my first attempt at blogging photos. And I chose the seminal poster made by Chu for our short film entry to the Cinemalaya 2004. Can't wait to start shooting. In case you're wondering where I am in this picture, well, definitely I'm not the one who looks like a Darth Vader cum Princess Urduja. My favorite color? Yellow.

bedspacerposter
Originally uploaded by catukayo.



Sunday, August 01, 2004

Postscript

This need not escape my day. Just got word from Doc Don that my kidney stones are tunaw na. Something to make me etch a smile on my face and sing a happy song. :) I texted a few people. Needless to say, B was first.

And again, needless to say, this is the first day of August.





Karen Moving In

It's been three weeks since I lost my own room. Maybe "lost" is not the appropriate word. More of "lent." Three weeks ago, my brother Mark asked me if he can occupy my room because Karen, her pregnant girlfriend, is moving in our house. They're going to be married (civil) sometime this month or September.

It wasn't really a hard decision for me. I love my brother and would give him anything that I can manage to give up. Besides, I barely go home early. And as soon as I'm financially stable, I'll find an apartment near U.P.

Sometimes I would wonder if it pains my mother that I treat our home like a boarding house. A couple of nights ago, she asked me how I was doing. It was really late, around 11pm, and her prodding made me stare blankly. I told her that I was okay. "Pumapayat ka lalo," she observed. "May pagkain pa ba? Nagugutom na kasi ako," I replied.

The next day, I was moderating the class discussion of a poem entitled Alabang Trip: about "trips" and "memories." All of a sudden, a guy student recounted how trips reminded him of his "love." Then a girl commented and then started talking about her own experiences. After quite a long discussion, a girl raised her right hand to get my attention. I called her. "Sir, have you ever been in love?" she asked. I went blank for a while. I wanted to tell her that "I am in love and waiting for the right time" but I just curved my lips to form a smile that even my eyes can't feign. My face was a large strawberry. They went wooing like mad dogs.

"So, who's the lucky girl, sir?" a varsity basketball player student asked. I nearly choked. The same prodding went on and on until I raised my two hands as if surrendering. They went silent, awaiting for the parting of my lips:

"Class dismissed."



Saturday, July 31, 2004

Pantal at Poste

Nagising ako kaninang alas singko na iniinda ang kati sa katawan. Paghawak ko sa noo ko ay may mga namumugtong pantal. Hinubad ko ang t-shirt ko at nakita kong pulampula ang dibdib ko. Mabilis akong bumaba para manalamin. Tumalikod ako, nilingon ang likod ko sa salamin, at nakita ko ang kakaibang mapa ng mundo sa aking likod, pulu-pulong pantal na pula.

Naiyak ako dahil wala akong magawa. Ampula-pula ng leeg ko, pati mga braso ko ay puro pantal. Baka allergy raw sabi ng Nanay at Tatay ko. Ano bang kinain ko kagabi? Pansit lang naman at mangga, at maraming tubig matapos uminom ng sodium bicarbonate. Nung matapos naman kaming manood ng Imelda nina Caloy, Vlad at Piya ay nakikain lang ako ng french fries sa McDonald's sa SM North Edsa.

Kumuha ako ng alkohol tapos pinahiran nang bahagya ang mga pantal. Mainit.

Umiiyak akong umupo sa sopa (na car seat dati ng van) sa sala. Tapos naalala ko na dalawang sunod na araw na pala akong umiiyak. Kagabi kasi, matapos manood ng Imelda, wala na akong pera maliban sa P5.50. Pagpunta nga namin sa SM, eksakto lang ang pera ko: P86.50. P81 para sa tiket ng Imelda. At P5.50 na pamasahe. Kaya di ako nakabili ng sarili kong meal sa McDo kagabi. Nahihiya na rin akong umutang kay Vlad dahil marami na akong utang sa kaniya, at kalilibre lang niya sa akin sa Oz nung isang gabi, tapos siya ba ang nagbayad ng taksi. Ganun din, nahihiya rin ako kina Piya at Caloy kasi lagi na rin akong humihiram sa kanila. Kaya nang nagyaya sila sa McDo, sabi ko sasama ako pero di ako kakain kasi busog pa ako.

Nung maghihiwalay na kami, biglang sumagi sa isip ko na, "Shet, nasa SM nga pala kami at uuwi ako sa Sampaloc." Kaya humiram ako ng P2.00 kay Caloy dahil iniisip ko P7.50 lang naman siguro ang pamasahe. Antagal ko bago nakasakay ng jeep papuntang Welcome, Rotonda. May ilang taksing huminto sa harapan ko, akala ng mga tsuper ay may pambayad ata ako. E wala.

Buti na lang dumating na yung hinihintay kong jeep. Sa harapan ako nakaupo at tinanong ko ang drayber kung magkano ang pamasahe hanggang Welcome. "P8.50," sabi niya. "Di ba P7.50 lang po?" kinakabahan na tanong ko. "Hanggang Banawe lang yun," sabi niya. Iniabot ko sa kaniya ang P7.50. "Sa Banawe na lang po ako."

Sa tapat ng McDonald's Banawe cor. Quezon Ave. ako ibinaba ng drayber. Ayaw huminto sa pagpalag ng dibdib ko nung buong biyahe. Hanggang sa mag-para ako ay may garalgal ang boses ko: nagsasalimbayawan ang galit at awa sa sarili. Malayo ang lalakarin ko mula Banawa hanggang Welcome hanggang sa bahay ko sa Iba. Habang naglalakad, sinapu-sapo ko ang bulsa ko. Wala talagang naligaw o natira kahit piso. Madilim. May kakaibang nakaririnding katahimikan ang gabi, ang mga gilid ng gusali, ang masukal na singit ng lungsod -- lahat nagpapaalala sa akin kung paanong natitiis kong di kumain nang buong araw, ng mga nakalipas na araw, dahil sa halip na pagkain ay gamot ang binibili ko. Na padating ko sa bahay sa gabi, tsaka lang ako makakabawi ng pagkain.

Binilang ko na lang kung ilang poste ang nadaraanan ko, hanggang sa ang habag ay magsakatawang-tubig-alat mula sa mata, hanggang sa di ko na matandaan kung ilang poste na ba ng ilaw ang niyuyukuan ko sa paglalakad pauwi.



Monday, July 26, 2004

Class Goat

Sa bahay, wala kayong remote
control, kaya emote ka nang emote
sa inggit dahil, "take note,"
sabi mo, and i quote,
"ang bahay ko'y wala sa remote."

Kaya matapos mong dutdutin
ang Power ON button ng segunda manong
telebisyong itinaksi pa ng tatay mo
mula Cubao patungong Payatas
(kaya nagtiis kayong walang kasamang pambara
ang kanin kinahapunan), nagulat ka
sa malalaking nakausling ngipin
ng nag-i-Ingles sa Malakanyang.
"Small but terrible," pasikat mo sa tatay,
at nanay, at nakababatang mga kapatid mo.
"Kuya, ano yung te-re-bol?" tanong ng bunso.
"Kinatatakutan," mabilis mong pakli,
dahil ikaw lang, sa pagkakaalam mo,
ang tanging nakatungtong sa kolehiyo
sa baranggay ninyo.
"Matalino talaga itong si Kiko natin.
Buti't di nagmana sa atin,"
sabay hagalpak ng mga magulang mo.

Ngunit nang itaas ng babaeng nagmamay-ari
ng nakausling mga ngipin
ang kanyang mga kamay,
parang naholdap na pitaka ang bibig mo:
wala nang mailabas pa.
Laluna nang tanungin ka ng nanay mo:
"Ano yung ten-point program?"
Saglit kang napadta, at para di mapahiya,
nagpalusot ka:

"Ipinapaliwanag niya ang ibig sabihin
ng kantang Sampung mga Daliri."
Pagkabanggit mo sa pamagat
ng kanta, nagsitayuan ang mga kapatid mo't
nagsimulang magpamutawi
habang di sabay-sabay na binabaligtad
ang kanilang mga palad.

"Talaga? Di ka nagsisinungaling?"

Ang dila mo'y huling linya ng kantang-bata,
ninakaw na pitaka,
at remote control na nawawala.



Sunday, July 25, 2004

Decalogue

1. I hope that someone gets my message in a bottle. Sting's strained voice is a cacophony of words heralding the saundering of the rain.
2. Remember: No more I-mesh, No more Kazaa. Lest you want a colonial invasion of worms and viruses.
3. Wallow for a while, but do not disparage. You may have lost all your files (read: a collection of 50 unfinished poems and 8 unfinished stories) because of the dreaded internet worm, but you can write a story or two about it. Answer: how does a writer reconstruct his/her lost works. Put it into writing.
4. Work ethics is important. Do not falter, when everyone else tells you that you're "all work and no play." Because you're not. You do have some zest in your life. You go out with friends, you meet new people in and out of the academe, you're happy with your regular company in the Filipiniana section of the Main Library, and you've just read your poems and sang in two cultural events in UP last Friday, and of course, you've gone inviting students and teachers in around 80 classes for tomorrow's State of the Nation Address (SONA). Don't forget to wear red.
5. Be health-conscious. Drink your medicine while contemplating on Roland's suggestion for your thesis next semester. A few swigs of beer is not bad, even your doctor told you that. It's diuretic. Remember, last night, at My Brother's Moustache, you had a good deal of free beer (it's KatMac's birthday!) while listening to Asin's live performance. You had to go eight times to and fro the comfort room behind the stage.
6. Save. Since you haven't gotten any salary yet (you're awaiting for the UP President's approval of your appointment), you're told that you'll get your salary in bulk first week of August. Peso sign in your eyes. Pay your debts and dues. And save for a pair of leather shoes and a pair of red Chucks.
7. You have friends outside your U.P. circle. Do not forget that.
8. Struggle and survive. You're not doing anything wrong with your political activism. As Mao Tsetung puts it: "Let a hundred flowers bloom; Let a thousand schools of thought contend." That is the essence of contradiction and development.
9. Be strong. You were born on the Chinese year of the Horse. Because the meek shall inherit the earth.
10. Keep your unsent love letters and poems. One day you'll be able to send them.




Thursday, July 22, 2004

Condoning Collegian

I woke up six am, to my Nokia's snoozing. I just finished brushing my teeth and styling my hair. While gluing my hair in a Ragnarok fashion, I remembered how the Collegian's six am water felt: how my ears shied like a makahiya, and how my feet, hands, and fingers coalesced like butter. The Collegian office, this Collegian office, four flights of stairs, how it almost reaches the stratosphere.

Caloy is still sleeping. I have tried several times to wake him up; he opens his eyes -- like doors slighlty pushed -- but shut instantly. We made it to this office around 2am, climbed the four flights, and clambered our way to cyberworld and sleepworld. He slept at around 3am; while I stayed up until 4:30am.

It's almost seven o'clock. No need to hurry, Mykel. You're just 5 minutes away from your first class. Don't forget to drink your medicine, to eat first before consuming sodium bicarbonate and llanol, and reduce your nicotine intake. Remind yourself to go to Ateneo after your last class. And watch Imelda, okay?





Focault's Fingers

He remembers mnemosyne
and her conception of time
in a vacuum of locuses.
Vacuous, he one said,
a ditortion of orbits
in an ever-changing space:
leaves in a perenniality
of downfall, a sky efervescent
with clouds of discontent,
much like a wanting
or a need to be calm.

Under this tree, he forks
his fingers, a graceful captivity
of the moon: "I have the silver
plate beetween my thumb
and pointy." He muses it
to be another's eye, a refraction
of words, light dissolving
into his paper eyes.

 



Thursday, July 15, 2004

Something Lengthy

I was supposed to write something verbose here. They're all swirling in my head, waiting to be eviscerated and then fall flat on this space. But someone just rang my cellphone. A student requesting for an interview. Duty calls. Better get going.

P.S.
I hope to make up for my failure to submit a paper. 5.0. Hurtful. 5.0!




Sunday, July 11, 2004

Riddle No.1

It feels like wind
Between my palms
And water
On my nape
A fluid flush
Unseen
Unheld
But
Felt



Tuesday, July 06, 2004

Another Tuesday

Today is the first Tuesday of July. And I find myself eating the tuna sandwich my mom fixed me this morning. While, of course, contemplating on what to write here.

I woke up even before Mashimaro (the alarm clock) and Mommy snapped their tongues. I was looking at the yellow papers of legends that my students wrote. I fell asleep while checking them (ergo, I wasn't able to finish the 30 plus legends). The moment I got up, I scoured for my Tranformer Cellphone and there was a pending message. It was from KG. KG needs to see me as early as I can because KG has something to tell me. I told KG I have an 8:30-10am break. I'm waiting for KG.

Yesterday was a crampy day for me. Dr. Bien Lumbera had to extend our class (Pagbubuo at Pagsusulat ng Kasaysayang Pampanitikan) because he was absent two Mondays ago. Oddly enough, his reason was because of pain attacks due to uric acid. Someone in the class, Ina, offered both us pistachio nuts, and of course, I wanted to have some, but Dr. Lumbera said "AYOKO!" The old man that he is, an amiable lolo, I found myself saying NO to the nuts I so love to eat.

After class, around 6pm or so, Punk and I went looking for our UGAT orgmates. We found them at the Galleria 1 of the Faculty Center, doing an extension of the Orientation for Applicants. We have more or less 30 applicants, mostly girls whose smiles range from the shy to wistfully wry. I was introduced as a professor from the College of LAW, thanks to MJ! But a sweet girl asked: "Talaga?" And then followed by: "Ambata!" (Hahahaha!)

I went outside the building to smoke a stick of Winston Lights that I have been longing for the whole day. While I was watching how the blue smoke cuts the air, Vlad arrived sporting a new haircut -- or should I say shave. He looked like how he looked three years ago when we first became classmates. "Pare, bagong tasa a!" I commented. "Oo nga, pare!" he said. "Nagkita kayo ni Jay?" Vlad asked. "Dehins. Bakit?" I replied. "Naghahanap ng kasamang manood ng Spiderman 2. Nood tayo?" Vlad said. "Pagod ako e."

Then the applicants went for us, to have our signatures for their signature sheets. "Nandito ang mga artista!" Milky said. I wrote things for the applicants, individually, trying to juxtapose a concept to their names or namesakes.

I have to take my break for now. It's almost 9:30am and I have to drink my medicine. And have my first stick of cigar before my 10am class. Tomorrow, or later on, hopefully, I will be able to write about the days before July 6, 2004 (today), especially the June 29, Tuesday.



Thursday, June 24, 2004

Uric Acid Nephropathy

Kagagaling ko lang sa Robinsons Place Ermita. At ngayon, natagpuan ko ang aking sarili dito sa internet shop sa kanto ng Maceda at Dapitan. Dito kami madalas mag-internet ni Lisa.

Malamig sa loob ng Robinsons, at masaya akong pumasok doon mula sa Healthpoint Clinic sa tapat ng Padre Faura Exit ng Robinsons. Masaya dahil wala akong kanser sa kidney, kundi uric acid nephropathy lamang. Medyo matagal-tagal rin akong naghintay para tawagin ang aking pangalan. Sumisirko ang tumbong ko sa upuan sa loob ng klinika. Nagsimula akong kabahan nung umalis ako ng UP. Buti at sinabayan ako ni MJ hanggang Blumentritt. Nagdyip kami mula UP hanggang EDSA, tapos nag-FX kami na may karatulang "NBI, PGH, Taft."

Pagsakay namin ng FX ay dumadaldal na ang drayber. Ni hindi nito narinig na nagpapara ang mamang katabi ko sa likuran. Iyon pala, sabi ng babaeng nakatabi ni MJ, muntik nang maholdap ang FX bago kami sumakay. Tamang-tamang bumaba ang mga pinagsususpetsahang holdaper sa may Agham Road bago kami nakasakay sa EDSA. Buti't sa EDSA kami bumaba.

Pagbaba ni MJ sa Blumentritt, lalong tumatalon ang mga palaka sa loob ng dibdib ko. Nakikipagkuwentuhan sa akin ang siguro'y mga kuwarenta-taong babae. Narinig niya kasi nung pababa si MJ na "o, wag kang kabahan, kaya mo yan!" Kaya medyo nakapagbahagi rin ako sa babae na papunta ako sa doktor ko upang malaman ang resulta ng mga eksamen sa aking kidney. "May kidney stone po kasi ako." Sabi niya, "yung kapatid kong babae, inoperahan sa breast nito lang. Tapos yung katabi niyang pasyente may kidney stone rin. Nung inoperahan, ipinakita kung ano ang hitsura." Sinlaki ng piso nang iminuwestra niya sa akin, "parang rambutan... ang kulay... pula."

Lalo akong kinabahan, at tila napansin yun ng babae. Sabi niya, "Lakasan mo ang loob mo. Malay mo madaan sa tunaw." Napangiti ako nang matipid pero taimtim.

Medyo nakakatulog ako sa biyahe, at nang malapit na sa may Padre Faura sa may PGH ay tinawag ng babae ang atensyon ko: "Malapit ka nang bumaba, o." "Faura na po ba?" tanong ko. "Oo. Yung kanto ng PGH." Nagpasalamat ako sa kaniya nung bumababa na ako. Sabi pa niya sa akin, "Goodluck at ingat ka." "Kayo rin po," sagot ko, "salamat po." Pagkasara ko ng pinto ay tsaka ko lang naalala na di ko man lang natanong ang pangalan niya. Kung sinuman siya, napagaan niya nang kaunti ang loob ko.

Bumili ako ng yosi sa kanto, para makapagyosi ako habang naglalakad papuntang Healthpoint. Walang Winston Lights, kahit pula wala. Philip at Hope lang. Hope na lang ang binili ko. Mahaba-habang lakaran rin iyon, sa loob-loob ko.

Hinihintay kong tawagin ang pangalan ko ng sekretarya. Kinamusta ako ni Blair sa text, at mas lalong lumakas ang loob ko. Nang tawagin na ako ng sekretarya, inabutan kong nakangiti si Doc Don. Sa loob-loob ko, inihahanda ba ako nito sa isang malungkot na balita? Nang magsalita na siya, sabi niya, "Nabasa ko na yung plates ng IVP mo... Normal ang operation ng kidneys mo, ibig sabihin with normal, ay gumagana ang flow. Pero malamang ang nagko-cause ng stones mo ay uric acid, kasi mataas ang uric acid mo sa blood at urine. Yung right kidney mo naman, sinisira ng uric acid. Di ko alam kung mare-revert pa ang condition ng parenchymal disease (ng right kidney)..."

Tinanong ko si Doc Don, "Nakakamatay po ba yung sa right kidney ko?"

"Hindi naman. Kapag hindi mo ininom yung gamot, lalala yung condition," sabi niya habang nakangiti nang magiliw. Napangiti na rin ako.

Isinulat niya sa papel ang mga gamot na dapat kong bilhin at inumin: NaHCO3 (650mg tablet, 2 tablets 3 times a day) para sa pagtunaw ng stone, at Llanol (300mg, 1 tablet once daily) para sa pagpapababa ng uric acid. Kapag nag-normalize lang o di kaya'y hindi bumaba ang uric acid ko sa loob ng isang buwan, magiging maintenance na gamot ko na ang Llanol. Sana bumaba na lang po, please.

Pagkatapos naman ng isang linggong pag-inom ng NaHCO3, kailangan kong magpalaboratory exam ng urine, para malaman ang pH level ng urine ko. Sabi ni Doc Don, dahil acidic ang ihi ko, kailangan ma-alkalinize sa pamamagitan ng NaHCO3 ang aking ihi.

Humingi rin uli ako ng listahan ng bawal kong kainin. Sabi niya, "Tandaan mo, tatlo lang yun: peanuts, fats, at legumes." Kaya tinanong ko, "puwede po akong kumain ng mayonnaise at cheese, uminom ng softdrinks." Puwede raw basta wag lang sobra. Kung iinom ako ng softdrinks, dapat daw wag iyon ang gagawin kong tubig. Dapat 2 hanggang 3 litro ng tubig ang iniimon ko araw-araw dahil kailangan kong umihi ng 2 litro ng tubig araw-araw para malinis ang kidney.

Nagpasalamat ako kay Doc Don. Di niya ako pinagbayad ng consultation fee, kasi pinsan raw ako ni Ate Cecile. Nahiya ako, pinipilit kong magbayad pero ayaw tanggapin. Sabi ko na lang, "Sige, bibigyan ko na lang po kayo ng mga libro pagbalik ko. Sana mabasa po ninyo." At nagpasalamat ako nang ubod nang salamat.

Paglabas na paglabas ko ng Healthpoint, tinext ko agad si Blair. Ibinalita ko sa kaniya ang mga sinabi ng doktor. Habang ipinapadala ko ang mensahe ay nakangiti ako dahil masayang-masaya ang pakiramdam ko na hindi grabe ang kondisyon ng mga kidney ko. Magaan ang pakiramdam ko at sabi ko sa sarili, kailangan ilibre ko ang sarili ko.

Bumili ako ng gamot tapos pumunta sa Booksale sa Robinsons Place. Nabili ko ang mga sumusunod:
1. "Don't Tell Mama!: The Penguin Book of Italian American Writing" inedit ni Regina Barreca (P55)
2. "Goodbye, Sweetwater: New & Selected Stories" ni Henry Dumas (P55)
3. "Mid-American Review: Fall 1998" koleksyon ng mga kuwento, tula, sanaysay atbp. (P25)

Naglakad ako papunta sa sakayan ng dyip. Nakasakay ako sa Dapitan dyip, bumaba ako sa Maceda at tinalunton ang internet shop na ito.

Sumisilip ako ngayon sa pinto: asul na madilim na pala ang langit. Mag-a-alas siyete na pala. Kailangan ko nang umuwi para tapusin ang dalawang natitirang syllabi para sa mga klase ko. Magbabasa pa ako ng mga sanaysay na gagamitin ng mga klase ko bukas.

Naiihi na rin ako. Hindi ko dapat pigilan. Wala na itong atrasan. Tuloy-tuloy na gamutan!





Pag-aabang sa Alas-Tres ng Hapon

Alas nuwebe pa lamang ng umaga. Eksaktong alas otso y medya ko pinalabas ang mga estudyante. Ang araw na ito ang isa sa pinaka-relaxed kong pagsisimula ng klase. 6:55am pa lang ay nasa Room 408 na ako sa bagong gusali ng College of Arts and Letters. May apat na estudyante na pagdating ko sa klasrum. Napangiti ako. Aba! Naunahan pa rin ako kahit ang aga-aga ko nang dumating!

Kagabi naman ang pinakamahaba kong tulog at pahinga. Alas nuwebe pa lamang ng gabi ay tulog na ako -- at nagising ako ng alas singko ng umaga. Sanay na ang orasan ng katawan ko sa oras ng paggising ko nang regular na alas singko. Kadalasan nga'y nauunahan ko pa ang alarm clock na magising, hehehe.

Di na ako naglakwartsa kagabi. Nagyayaya sila Milky at Shiela na manood ng French Film sa UP Film Center pero sabi ko kailangan kong magpahinga. Sabi ko, tutal nanood na kami nung Martes, at hindi ko gaanong nagustuhan ang pagiging mabagal ng istorya pero gustong-gusto ko ang masayang pagtatapos ng pelikula. Sa loob-loob ko rin, kailangan kong bumawi ng tulog laluna't nakatakda akong pumunta kinabukasan (na mamaya na) sa urologist para malaman na kung anuman ang hatol. Energized ako. Maluwalhati ang tulog ko. Maganda ang gising ko, optimistiko ako, at hinihiling ko na sana'y maharap ko anuman ang sasabihin ni Doc Don.

Alas nuwebe kinse ng umaga pa lamang. Limang oras at kinse minutos pa ang hihintayin ko para makabiyahe na ako papunta sa Health Point sa may Maynila, sa gilid ng Robinson's Place Ermita. Iisa-isahin ko nang harapin ang aking mga demonyo.



Tuesday, June 22, 2004

Hilom

Nagpapahilom ako, kami ngayon. Nagpapalakas. Maghihintay ako. Naghihintay. At patuloy na naniniwala. At nakakaya nang ngumiti nang kaunti. :) Nagpapalakas ako, kami ngayon.

Magpapagaling ako. Pupunta na ako sa doktor sa Huwebes. Kailangang harapin ko na ang takot.

Hindi ako bibitaw. Nagpapahilom ako, kami ngayon. Nagpapalakas. Naghahanda. Para sa bukas.



Friday, June 11, 2004

Hunyo 11

Ang araw na ito ay eksaktong isang buwan matapos ang kaarawan ko.



Monday, June 07, 2004

Panopticon

Watched Harry Potter with Jayvee at SM Megamall. The long line was as impatient as my toes almost soaked wet. Gary Oldman's portrayal of Serious Black is his best since The Scarlet Letter.

Going back to UP Diliman, drizzle reminded me of a text message I sent to someone very special to me. I opened my Nokia unit's Outbox to find if I have already deleted the said message. I haven't. Tonight, I will flush it down the trashbin after I've immortalized it in my diary.

Now, I'm waiting for Lisa/Betty to finish the essay she's writing entitled "Reject Apolitical Intellectualism, Uphold Progressive Practice!" She just asked me, "Is there a word such as 'Apolitical.'" I smile wryly, recalling the educational discussion I gave last Saturday to the Kultura and Graphics sections about Revolutionary Aesthetics. In my mind, I want to tell Lisa what she already knows: that being "apolitical" is a political stand. We are PRISONERS of political denouement.

Foucault's discussion of the panopticon is a good read upto now; of course not everything, but a clear bifurcation of his "treatises." But I save laurels for Donato Continente, a political prisoner, "Kahit makalabas ako ng kulungan, may mas malaking kulungan ang lipunan."

Lisa, uwi na tayo. Sige na! Tara na!

"Mykel, tinatanong ni Mama kung gusto mong kumain sa bahay."

Anong ulam sa inyo?

"Di ko nga alam e, pero malamang isda, basta yung di gaanong mataba, I mean, yung walang gaanong taba."

Thank you Mr. Vincent Jan Cruz Rubio for lending me your laptop.





Iba, Zambales

I went out last night, the rain creating a pubic image of my hair. The umbrella was arrested by the wind, and my makeshift sweater was a stupid rag envelope.

Dapitan was haven, again, for me. A memory: I etched an entry before entitled Visiting Dapitan and oddly, I was back in that Dapitan Internet shop for the same reasons:

1. My own room was a stranger to me
2. My PC was/is a catankerous old (wo)man
3. Something I can't divulge right now

So there I was, a lonely biped in a cold, tranquil box of computers; with cold, noisy people blabbering about boobs, hips, arses, anti-communist mantras of role-playing games. It was a subtle atonement for indifference: a stranger in a not-so-strange piece of land.

Chanced upon Yelle and Kat Con in YM cyberworld. Some stuff about how lonely we were/are, about melancholia rearing its angry face at all of us, and how Resolve is a good excuse not to commune with death.

Thanks to upbeat popular songs from the early 1990s, I undid a sordid affair with melancholy. And this prompted me to write a lengthy entry last night, mostly about a temporary singing experience with the beautiful Rory, business manager of the Collegian. She sat beside me during the whole trip from Zambales to Manila. First time to sit beside her. First time to actually have a long conversation with her. At first, I was as shy as a newly-eviscerated kitten, squinting at the sight of how beautiful and perfect she is. Mykel, the epitome of perennial Insecurity. It was a tensioned moment that I now laugh at.

I stared at the window during the first few hours of the trip: I was looking for a rainbow on the small faces of raindrops on the window. I took a right look, and Rory was finishing a book, "The Street Lawyer" by John Grisham. "Is it any good?" I finally asked her. "Not really. The corniest of Grisham!" she said it so intently that her eyes formed an ethereal look, cute and captivating.

I told her I needed to pee; and the bus driver heard me and stopped at an old Caltex. When I got back, we were silent again. I thought: she has to finish her book. And when she did, she started to hum old songs, popular songs from Damage, 911, Backstreet Boys, 98 Degrees and the like. I started singing with her, but the rain fell harder and stronger.

Double Happiness was the next stop-over. What made me happiest during that time was that the radio was playing what Frank Lloyd calls "Classic Songs." Indeed, they were my high school fave bands: Hungry Young Poets, Color It Red and the like.

Color It Red's "Paglisan" was a tenacious drumming in my ear, in our ears. I remembered Carlo Gaerlan, during fourth year high, looking past our classmates to a distant view of someone I haven't seen yet: the girl he was courting was leaving him. And I so deeply incited a gargantuan lonely feeling kept in a papemelroti letter he gave me during fourth year high retreat: with the lyrics of the song "No Need to Argue" by the Cranberries.

I was drifting that far when Raffy Lerma let out a story: "Pag naririnig ko yang kantang yan, naaalala ko yung driver namin nung umalis. Parang tatay ko na yun."

Mula sa Iba, Zambales, patungong Iba, Quezon City, mayroong di maipaliwanag na pakiramdam ang pagiging Iba.



Friday, June 04, 2004

Filipino Department

Gamit ko ang kompyuter ni Kuya Rolly, at hindi niya ito alam. Ilang minuto na lamang ay babalik na sa tensyonadong normal na operasyon ang departamento. Enrolment ngayon, at mga nakadamit na malalaking langgam ang mga estudyante: ang iba'y may sukbit na payong, may nakapayungyong na mga pangginaw, at ang iba'y nanlilimahid dahil sa naghalong tubig-ulan at tubig-alat.

Masakit ang katawan ko ngayon. Bunga ito nang pagtatangka ko noong isang araw na ikabit ang bulok na aircon. Mas matanda pa kay Mahoma ang aircon, at sabi ng co-faculty kong si Sir Boy Iniego, kapag naikabit at pinaandar na raw iyon ay para raw kaming nasa loob ng barko. Ganun ang tunog ng sinisinok na makina.

Papunta ako sa Zambales mamayang alas-sais ng gabi. Naimbitahan akong magbigay ng lektyur sa semestral planning ng Kule hinggil sa Revolutionary Aesthetics. Noon, ang itinuturo ko hinggil dito ay Classical Marxism at Maoism lamang. Pero ngayon, balak kong taluntunin ang tereyn ng Neo-Marxism at iba pang bunga ng dialektikal na pagpapalwig ng Marxismo sa kontemporaryong pangkulturang kritisismo.

Hindi ako makapaniwala na isang buong linggo kaming hindi magkikita ni B.



Monday, May 31, 2004

Long Day

Once again, I find myself taking long walks under the skyroof bedecked with acacia leaves.



Saturday, May 29, 2004

A Jeepney Ride

It's been a while since I posted anything here. I've read surveys, eyed articles noteworthy, skipped perturbations and angas posts, and tried to delete old posts of mine (and needless to say failed to do so). Now, something unwavering instructed me to write something of some sort.

The world is sorting its people. The joint session of the upper and lower houses eviscerated more than enough tension in a country where interregnum is as perennial as pollution. Radio, television, and print have never feigned their tasks of baiting the masses with (mis)information. So we're here, catching ennui and coughing out anxieties in a hot, hot country.

Politics will never leave us. We are political entities, whether we like it or not. We've seen how the Arroyo administration and its cohorts maneuver to stay in power. With civil society groups like Akbayan badmouthing progressive partylist groups. With the military forwarding its Newtonian yet Machiavellian duties.

Next month, a ride from Welcome, Rotonda to Santo Domingo Church will be a P5.50 outpocket. And another round of oil price increases is in the offing. We can't blame the jeepney owners, the drivers. We can blame, of course, oligopoly.

Three sticks of Winston Lights: tantamount to a ride from Philcoa to Welcome, Rotonda. One stick: a walk towards a cranky house in Iba Street. It's never easy going home: alcoholic trippers in every corner, shanties like praying mantises, a moonless sky-ceiling, dog-shit, buzzing gate, an angry father, a tired mother, an alcoholic brother, a room of my own -- where dreams are concocted. It's never easy when you say, "The world is a crazy planet." It's all imagined. Never a figment less desired. Never a pragmatic scoop. Always, always a perfect day/night to tread the mountains.



Thursday, May 27, 2004

PGH

Literal na walang kainan ang ginawa ko noong Mayo 24, Martes. Paghahanda ito para sa IVP ko kahapon, Mayo 25, Miyerkules. Kung bakit makulit ako sa detalye ng petsa sa entry na ito ay saka ko na lamang sasabihin. Ang mahalaga ngayon ay ito: tapos na ang IVP at nagsimula na uli akong kumain.

Isang buong araw na tubig ang ipinanglaman ko sa tiyan ko. Kahit hindi ako nauuhaw, at kahit wala akong kailangang itulak papasok ng lalamunan, ay mekanikal kong inaabot ang basyo ng 1.5L na Coke na ginawa na naming lalagyan ng tubig. Kung sabagay, may kailangan akong itulak at lununin papasok ng lalamunan ko: ang kasabikang kumain, laluna ng bawal.

Kaya kahapon, alas singko ng umaga pa lamang ay gising na ako. Totoo ito: naunahan ko pa ang pagtilaok ng mga tandang ng kapitbahay naming si Mang Arturo. Hindi ako ginising ni Mashi Maro, ang alarm clock na galing Taiwan na iniwan ng kuya ko rito. Inudyok akong tumayo at magkamalay nang muli sa "totoong mundo" ng kumakalam kong sikmura. Iyon ang pamana ng anim na kutsarang Duphalac -- isang uri ng laxative.

Alas singko ng umaga pa lamang ay nasa trono na ako. Bibirit sana ako ng mga kanta ni Vienna Teng pero di ko pa kabisado ang mga titik. Wala rin sa hinagap ko noon ang Hedwig and the Angry Inch, kahit ang Dashboard Confessional, at hindi ko rin makanta ng buo ang Canonball ni Damien Rice dahil di ko pa nadadownload ng buo sa aking IMesh. Kung kaya pinakinggan ko na lang ang pagkikiskisan ng mga lamang loob ko: ang kiskis ng panloob na balat sa isa pang hibla, tabla, mukha, binti ng panloob na balat: parang watusi, lusis. Parang kakarag-karag na trak. Parang sirena ng ambulansiya at pamatay-sunog na minsang gumising sa akin nang alas-tres ng madaling araw. Parang naghihingalong prigider.

Lahat iyon pinalalabas-masok ko sa tenga ko, dahil umaasa akong mapapasok nito ang utak ko: para bitbitin, puksain nila ang kaba sa dibdib ko, ang takot, at lahat ng alalahaning nagpapasirko sa tumbong ko.

Gayung-gayun rin ang lagay ko habang nakahiga sa malamig na metalikong mesa sa isa sa mga x-ray room sa PGH kanina. Gayung-gayun ang ginawa ko: nagpatugtog ng musika sa utak, pinalaya ang kaba, pinasakay sa kalesang dumaraan sa ibabaw ng dagat.

Lahat ng musikang nakasanayan ko, nagsama-sama sa isang mahabang tarak ng karayom sa ugat.



Saturday, May 22, 2004

Kabayo sa Bubong

Parang may kung ilang maliliit na kabayong naglulundagan at nagtatakbuhan sa bubungan namin ngayon.

Kung nagkataong tulog ako't biglang naalimpungatan, tiyak akong magugulantang, na parang nagising mula sa isang bangungot patungo sa isa pang bangungot. Halos di ko mapalis ang pagkabusangot ng mukha ko ngayon. Peste ang ulan, kahit kailan ay di ko ito nagustuhan: bahain ang lugar namin, ayoko ng basa, pero gusto ko ang lamig.

Madalas akong magbitaw ng prase: umulan na lang kung saan kailangan ng tubig: sa mga sakahan ng mga magsasaka, sa Mindanao, at sa iba pang halos El Nino araw-araw, gabi-gabi.

Hindi pa ako naliligo kaya tatapusin ko na muna ito dito.




Thursday, May 20, 2004

Dangwa

Kararating ko lang dito sa bahay namin sa Quezon City. Nakatapat ngayon sa likod ko ang electric fan at alam kong maya-maya lang ay mararamdaman ko ang pamumuo ng lamig sa balikat ko. Sigurado akong maglalagatukan na naman ang mga buto ko.

Matagal na akong di nakakapagsulat sa talaarawan ko, yung bukod dito sa blog ko. Pero kagabi, sa Room 703, habang katabi ko ang isang taong himbing na himbing sa pagtulog, nakapagsulat ako. Minasdan ko kung gaano kaamo ang mukha niya at kung paanong kahit nakapinid na ang talukap ng mga mata niya ay nalulunod pa rin ako.

Habang pasakay ng PVP bus mula sa Buendia, nadaanan ng mata ko ang Dangwa, at sangkaterba ang mga bulaklak na nakahilera, nakasalansan, nakabuyangyang. Inukilkil ng musika ng Viva Hot Babes ang tenga ko, at parang gusto kong bumaba para bumili ng sambungkos ng puting rosas o kaya'y mga tulip. Pero naalala, P50 na lang ang pera ko sa bulsa.

Sinapo-sapo ko ang bulsa ko: kahit nakapikit ako ay kabisado ko ang laman nito: panyo ng Nanay ko, cellphone kong mukhang Transformers na (dahil peke ang casing), lighter na napulot ko sa Baguio, at kaunting barya at buong singkwenta pesos. Hindi ako bumaba sa Dangwa. Naisip ko na lang na maaaring malanta lamang ang bulaklak, gayong ang mismong ideya ng pagbibigay nito ay hindi. Parang isang tulang naimortalisa sa papel at dibdib.

Maya-maya lang ay maliligo na ako. Pupunta ako sa UP para magsagawa ng creatinin exam. Sana ay maging normal na ito nang makausad na ako sa susunod na bahagi ng medical chekup ko para sa aking nababatong mga bato.

Sa isip ko, maglalakad ako sa UP kahit mainit. Kailangan ko ang ehersisyo: pisikat, mental, emosyunal -- at liliripin ko ang mga dahon ng mga higanteng akasya sa Academic Oval: liliripin na parang mga pakpak ng ibong kumakampay ng pag-ibig. At ang langit, isang malaking mukhang ginuguhitan ng araw ng ngiti.



Monday, May 17, 2004

Sunday Group

It started out as Saturday Group, first semester of last year: Yonina, Reagan, Anna, Ken and I. But it was my first and last saturday trip with them, I mean, officially. UPLB demanded a lot of my time. Saturday became Library Day for me: crammed papers for Dr. Lilia Quindoza-Santiago's "Contemporary Filipino Literature" class, crammed exams for my four classes in UPLB, and squeezed-in sanity breaks.

This time I wasn't around when Yonina, Vlad, Daryl, and Reagan conceptualized the Sunday Group. I was with Blair last Sunday. So a week after, I found myself in medias res, drinking prohibited Beenhoppers coffee-ice cream, smoking more than eight sticks of Winston Lights, morphing in unison with the reddening of the skies in Boardwalk, Roxas Blvd., and doing a Narcissus by taking pictures with my friends. This is Sunday Group. Too bad Vlad, Anna, Ken, Del and Caloi weren't around.

As I watched god slash his wrists to redden the once blue skies, I ran my fingers on my wrists, feeling my veins and waiting for a strong pulse. The pulse came with the strength of memory: the now-familiar hand I held the night before, the swirl of tongue, the hot breath on my nape, the chinky eyes that drown my very name, and the voice that carries the weight of love.

It's never an easy thing to do: remembering. But it does remind me of life, and how each cloud is puffed out by the large mouth of god, the communion of color and air, the erudition of sunset as another name for love.



Saturday, May 15, 2004

Room 703

Your absence walks in this room:
The fan whirs listlessly
feeling your non-presence.
Vienna Teng cascades lines
dissimilar to longing,
reaches for my ears
and licks them:
rough tongue agains lobes
and drums of memory --
love audibly tangible
in this room
where your absence
deafens silence.



Thursday, May 13, 2004

Dear Blair

I want to tell you more besides how endearing you are. For example, how I have recently learned to breathe your own air, and how your absence -- be it a matter of minutes -- unslits me of gills. Mornings are better; I wake up smelling of you, that poignant fragrance of yours that never fails to pull my smile's strings.

We really don't know what the future holds for us. You're right. Tama yun, Blair. Right now, I'm longing to see you, and know you more.

I love you.



Sunday, May 09, 2004

Witching Hour

It's 3am. I must be crazy. Rob Thomas sings it so well that sound coagulates well with time.

It's 3am. I'm with Vlad and Reagan, and of course, the host, her divine Koreanesque: Yonina. Her fine abode, her attic-room, like a mystical space for recreation and writing. The attic's NOT a mess. The low kisame gives me the feel of security, that it may appear that I'm inside a minute matchbox is not the probed issue, but that security, a space where one becomes unmitigated by hollowness. So I write. As Blair would have it: "The itching to write."

Lotsa things happened today/tonight. I got my fill of being punitive and despicable, while maintaining a childish wry smile. I have never been this sad and happy at the same time, much like a whirring fan, a joyous airy constipation of sorts, heatwave propelled by triplet-blades.

I met Marielle and Kris at Oz Cafe. It was a good, fulfilling, funny, hefty talk. I laughed a lot, especially with Kris around, who was (still is) a bukal of humor. Vlad came after a while. Lugi ang Oz sa amin!

Cynthia and De La Salle University classmates came with Red Wine. Sorry Palaris Confraternity for using your tambayan as inuman. Of course Blair was there. He never fails to make me smile.

Let it go. Sarah McLachlan delivers it so well that I stop trying to copy her voice. Does it matter?



Saturday, May 08, 2004

Micardis

My father must be so proud of me
I inherited his hypertension. Renal,
Dr. Lachica remarked: tension
capsized in a hyperreality of blood,
fluid, fluidity, and salt water.
The past two weeks saw my left kidney
stoned: uric acid the best of trigger-happiness.
The right one chose to be silent
at first, but it punctuated the weeks
with the possibility of a parenchymal
disease. Ultrasound was never just meant
for fetuses. I saw my kidneys, two lovely
mangoes in black-and-white photo tone:
each one cradled by sound
and waves. Waterworld, beneath
my skin, where everything is in an array
of disarray, ready to swallow a bitter
pill, a salient point of salinity,
soundless sanity.



Thursday, May 06, 2004

Mga Bawal Kainin at Inumin

1. Mani
2. Mayonesa
3. Bagoong
4. Oishi Prawn Crackers at iba pang kamag-anak nito na bininyagan ng MSG
5. Anumang pulburadong (powderized) inumin tulad ng Iced Tea, Eight O'Clock Mango-Orange Juice
6. Kamatis
7. Ispageti
8. Palabok
9. Mamantika at maraming tabang putahe (baka man, baboy o manok)
10. Sa madaling salita, mga pagkain sa Katag.

P.S.
1. Sabi ng urologist kong si Doc Don ay hindi naman sanhi ng renal stone ko ang labis na pag-inom ng beer, kasi maganda nga raw ang beer sa katawan bilang mabisang pampaihi at pampalabas ng labis na dumi sa internal na sistema ng katawan.
2. Kapag nalampasan ko ito at di pa butas ang bulsa ko pagsapit ng Mayo 11, magpapainom ako!



Tuesday, May 04, 2004

Noong Mayo Uno aka Leaving Los Banos

Dahil sobrang nalungkot ako noong Abril 30, 2004, walang-atubili ay sumama ako sa UP Los Banos. Sumakay ako sa Altis ni True Crime, girlfriend ni Chu. Si Chu ang magmamaneho. Mga pasahero kami nina Milky, Caloi, Punk, at Marla. Nagkasya kami sa sasakyan kahit na ga-sako ang katawan nina Marla at Milky.

Akala ko kasi nakalusot na ako sa aspetong medikal -- dahil nagrehistro ng negatibo ang ihi ko sa drug test. Walang nakuhang marijuana sa ihi ko kaya masaya ako. Ang kaso nga lang ay may maliliit na bato pala sa atay ko. Hindi pa alam kung ano ang pinagmulan nito, kung uric acid ba o iba pa. Pero sa ngayon, kailangan kong lunurin ang mga bato. Literal na paglunod: tatlo hanggang limang litro ng tubig araw-araw.

Kaya nahihirapan akong ngumiti. Halata naman e. Kahit mga mata ko di na kayang ngumiti.

Kaya ayun, noong nakaraang Biyernes ay parang inaapuhap ko si Mariang Makiling, na para bang gusto kong magpakupkop sa kaniya -- na nagawa ko naman. Pero mas malaki ang pasasalamat ko sa mga kaibigan. Lalo na kay Kris, na laging may positibong nasasabi kahit sa mga napakanegatibong sitwasyon. Eksperto kasi siya sa mga droga (hindi dahil adik siya, kundi dahil may ginawa raw siyang pag-aaral dati hinggil sa droga -- kayo na ang humusga! ehehehe). Siya nga ang nagturo sa akin na uminom lang ng maraming tubig, apol juice, pineapol juice, at iba pang Juice Ko Day para makadenggoy sa drug test, ehehehe. Siyempre, salamat rin kay Naya na talagang napakagaan ang loob ko: na parang pilak na liwanag sa gilid ng mga ulap pagkatapos ng ulan. Salamat sa inyo.

Natulog kami sa Los Banos. Sa Altis. Gumarahe sa lilim ng mga puno sa tapat ng gusali ng LGA (Local Goverment Agency). Doon nagpalipas ng gabi, ng madaling araw, at nagplanong hulihin ang pagsikat ng araw kinabukasan ng Mayo Uno. Pero ganun ata talaga kailap ang pagsikat ng araw kapag gusto itong hulihin. Nagising ako na maliwanag na ang langit.

Dumating si True Crime. Iyon naman talaga ang primaryang dahilan ng pagsugod namin sa UPLB. Nagpasama si Chu para sunduin ang kanyang kasintahan. Kaya bonus na lang ang pagliliwaliw, ang pagpapalipad ng mga pinabibigat na dalahin, ang pamumundok ng isip.

Mayo Uno. Umakyat kami sa Makiling Botanic Gardens. May nakita akong pusa, grey-brown ang kulay ng balahibo. May kakaibang tutubi, kapag ikinakampay nila ang mga pakpak ay makintab na blue-green. Pero kapag ipinapahinga nila ang mga pakpak nila ay itim lamang ito. Itim ang ilalim ng mga pakpak. At di pa ako nakuntento sa mga pakpak ng tutubi. Naglagalag kami sa mga huling minuto namin sa Makiling. Mag-a-alas onse ay inakyat namin ang inakala naming maikling ruta lamang tungo sa mga "Raptor." Akala namin nung una ay mga aligeytor at krokodayl ang raptors, iyon pala mga Agila, Haribon, Eagle, Eaglet, Ibon pala! Ayun! Nagtanggal na nga ako ng t-shirt pagkarating sa bungad ng pugad ng mga agila dahil sa sobrang pamumuo at pamamasa ng pawis sa damit ko.

Matapos ang pamamakpak, bumaba na kami, bumili ng tubig, ng keychain, sumakay ng Altis, dumaan sa shortcut sa may Jamboree Site, at mahigit-kumulang isang oras lamang ay nasa Kentucky Fried Chicken (KFC) na kami ilang milya paglagpas ng Magallanes. Nanlibre si True Crime. Sabi ko sa sarili, sige, lalantak na ako ng masarap na piniritong manok, huli na to, wala muna akong pakialam kung maalat, masarap ang gravy, ang coleslaw, ang mashed potato, ang mamantikang balat, ang lalaki sa kalapit na mesa, ang libre, masarap, ang libre.

Bago maghiwalay, naitanong nila kung saan ako bababa. Sabi ko dun na lang sa paglagpas ng Corinthian Gardens. Sasakay ako ng bus papuntang Cubao. Tapos sa Cubao sasakay ako papuntang Welcome, Rotonda kung saan naroroon malapit ang tahanan ko. Maliligo lang ako at pagdakay pupunta na sa Liwasang Bonifacio para sa pagkilos sa paggunita ng Araw ng mga Manggagawa.

Pero natagalan ako bago nakasakay ng bus papuntang Cubao. Pagdating ko ng Cubao ay parang nakahupak na ang mga pisngi ko. Tila nakonsumo agad kahit ang hindi pa nakokonbert ang enerhiya ng pananghalian ko. Kaya nagpalamig ako sa Superbranch ng National Bookstore sa Araneta Center, Cubao. Bumili ako ng dalawang tig-P20 na libro: "Loves of Faustyna" at isa pang nalimutan ko ang titulo ngayon. Sikreto lang: pinalitan ko ang mga presyo nito, ehehehe. Tapos bumili ako ng tig-P14.75 na notbuk. Iyon ang bago kong talaarawan.

Pagkatapos magpalamig sa National, nagpasya akong suyurin ang dalawang Booksale sa Cubao, isa sa Rustan's at isa sa gusaling katabi ng Rustan's. Para makapunta sa Rustan's ay kailangang dumaan ako sa Araneta Coliseum. Andaming tao. Nagsisiksikan, nagtutulakan, nagtatakbuhan, halos lahat may bitbit pang Coke-in-Can. Nakapila sila. Libre pala ang panonood ng Laro ng PBA (nga ba?) -- handog daw ni Pang. GMA sa manggagawa para sa kanilang Araw ng Paggawa. Libre rin pala ang MRT. Kung alam ko lang ay hindi na sana ako nagpatusta sa araw.

Hindi ako nakahabol sa Liwasang Bonifacio. Hindi tuloy ako nakakanta.



Tuesday, April 27, 2004

Trangkaso

Change of weather. Ito ang may kasalanan kung bakit magkakatrangkaso ako. Sobrang init dito sa Manila; at para sa isang nilalang na nagpakulob sa lamig ng Baguio nang dalawang linggo, aba'y masuwerte na ako kung trangkaso lang ang abutin ko.

Punyetang init ng araw yan! Kontrolado nito ang lagkit at hulas ng pawis ko! Para akong balon ng pawis na di nauubusan ng masasalok.

****

Natatakot akong magpa-drug test. Yun na yun!

****

Wala na akong pakialam sa pitong letrang salita na may hyphen sa gitna ng ikatlo at ikaapat na letra.

****

Marami akong nabiling ukay sa Baguio. Ipinamigay ko halos lahat. Nung isang gabi, pumasok ang nanay ko sa kuwarto ko at nabahing siya agad. Naligo naman ako at nagpagpag ng kama, sabi ko. "Yung kape kasi di mo yata nabalot ng maigi. Ayusin mo ang pagkakabalot. Nakakahatsing e," sabi ng Nanay ko. Mabango ang Benguet coffee. Ibibigay ko yun kina Amy at Isao.

****

Kinukulit ako nina Rhowell at Aya na ibigay ko na ang pasalubong ko sa kanila. Di ko naman madala kanina kasi pumunta ako sa NBI at BIR, baka mahulihan ako at ma-William Martinez ako! (Pero siyempre wala akong tooooooooottttttttttttteeeeeeeeeeeeerrrrrrrrrrr noooooooooooooooooohhhhhhhhhhhhhhhh! Tsaka di naman Mahiwagang S to nooooooooooooooooohhhhhhhhhhhhhh!!!!!!!!

****

I have the need to elaborate on something other than ennui. Right now I'm catching my breath. Reminds me of how my lungs heave at the steepness of Baguio's streets. Reminds me of the time Caloi and I went to a duckpin bowling lounge and waited for more than an hour to take our turn. Reminds me of the leg pains we had after the bowling tryst. Of how hard it was to do the routine of paakyats and pababas to and from the sessions, to and from food fiestas, to and from sanity.

****

Mykel, count the number of times you smiled in your Baguio pics.




Sunday, April 18, 2004

Ispontanyo

Isa na naman ito sa mga ispontanyong plano namin ni Caloy.



Thursday, April 08, 2004

Baluga

Nasa internet shop ako sa Maceda St., perpendicular sa Dapitan. Kasama ko si Lisa Ito, kaibigan ko. Siya nga ang magbabayad ng internet fee ko rito ngayon e.

Galing lang kami sa boarding house nila nina Isao, Net, Tom at iba pa. Apat na araw kaming nagbabad sa bahay na iyon sa may Sikatuna Village. Nanood ng cable tv programs. Nanood ng DVDs ng "Monalisa Smile" at french film na "8 Femmes" na hiniram namin sa magkapatid na Jaja at Chiqui Arumpac.

Ngayon, pagdating namin sa may Blumenttrit St., baha. Kaya dumaan lang kami saglit sa bahay ni Lisa sa may Sampaloc tapos nagpaalam kami sa lola niya na mag-i-internet lang saglit. Maya-maya ay uuwi na ako sa bahay ko sa Iba.

Namimiss ko na ang nanay at mga kapatid ko. Pero si Mark ay nagpunta raw sa Quezon, sa bahay dun ng girlfriend niyang si Karen. Tapos si Jay-ar baka nagdi-defragment pa ng computer namin. Malamang nagsa-soundtrip at watchtrip na naman ang nanay ko sa Winamp ng isa pang kompyuter namin: Meteor Garden at Endless Love.

Ako, gusto ko nang magpagupit ng buhok. Mukha na naman akong Lion King sa tubo sa gilid ng ulo ng buhok ko. Masakit pa ang ngipin ko, tapos may nabubuo pa atang singaw sa dermis ng loob ng bunganga ko. Tapos wala na akong pera. Good thing, though, mahina na akong magyosi. Yihee!


Malabo
Bakit may nagre-resurface na old romantic feelings? Kailangang mamatay na ang mga ito kasabay ng pagkamatay ni Hesus bukas.



Friday, April 02, 2004

Sad Songs Make Me Cry
I have every right to pun the song "Sad Movies Make Me Cry." And don't you dare fret on discoursing intertextuality. I am my own Author. I am my own Blog.

There's no place for nasty people in my abode. One nasty crass is enough. 'Nuf.

I just realized that I only have P0.75 in my pocket. I'm hungry. How am I gonna get home?

Regurgitating, my dream. Believe. Survive.



Wednesday, March 31, 2004

About Fudge
Fudge sits beside me.

Caloy goes to the royal bowl to defecate.

Punk rests his heavy head on a sordid pillow.

Mykel sketches characters.

Okay. Here it goes. When a bus turns right, it actually tells you to be a leftist. At the edge of a crossroad is a singular pole, a metal scraper, with a hexagon-like head and three eyes: one red, one green and one yellow.

I think that the best way to end matters is to watch the sommersaulting of ashes. From the tip a cigarette stick to the rough skin of an ashtray.

Two hours ago I had my tongue twisting fuck yous and grumpy words. Because the secondhand printer refused to follow directions.

I'm happy like a bird's gizzard, grinding the heart of a seed.





Moving On

Finally, R. broke it. I asked R. to tell me, to text me, to put a halt to my prolonged agony.

As much as I want to convince myself that I have other prospects to tarry myself with, I believe that R. suits me well. But of course R.'s decision is more definitive and operative, to say the least. R. texted me (I coerced R. to do this, the act of texting I mean, instead of the face-to-face ripping of my face--because time is the most incongruent product of, yeah, mercantile capitalism) that we're better of as friends. R.'s text message: "Sadly, ang sinsbi ng puso ko ay kaibigan." Or something to that effect.

I thinks it's best that way. Surprisingly, I'm not sobbing like a Monday morning. I have waited for that moment, a few hours ago, that seemingly protracted answer to a miserable month of wallowing in uncertainty. Romantic flails never fail to put me in a brooding mood, forget the tons of immaculate paper needed to be splattered with intellectual machinations and academic (mis)heavings, forget the immeasurable time looming over books to be edited, forget that I was sick and overfatigued, forget that smoking is bad for my health. One thing though: I'm not exactly profusely wam-wam over bottles of beer.

The fact is, I don't love R. I like R. but I'm not really sure why. Of course R.'s good looks is already a given, though Caloy, Pia, Roy, Vlad and countless other anti-R. friendly friends think otherwise. And of course that personality factor that they keep nudging me about. And R.'s past, R.'s sexual encounters in the most implausible places. Everything from the preppy clothes to the girlish accessories, from the imperfections with the use of the English language to the dumb-ass questions like "Are post-structuralism and Marxism opposing views?" And all the other reasons my friends heave undauntingly to consign me to one decision: R. is not the best one for me. That I have other and better options. The flings. The DLSU writer. The coffee guru. The Ragnarok addict. The Japanese-fanatic suitor. The bipolar texter. I gave them all up for R.

But R.'s decision is still the definitive and operative language, to say the least.

I have learned my lesson well. I should have realized this years ago when Ewas pulled my sanity string to its elasticity limit. When Ambito rejected my friendster request because Ambito's happily settled in Canada (or is it California). When Jaguar broke my heart last December.

Come on now, Mykel. It's time to move on.

They say that when it rains, it pours. I'm a walking contradiction if my preceeding sentence is right. I got in in one of the most, if not the most, prestigious writing fellowships in the country as a double fellow. I bested other teacher-wannabees for a post in the University of the Philippines-Diliman's Departmento ng Filipino at Panitikan ng Pilipinas (DFPP). I should be happy. I am. My love moon and stars just might not be in their proper places right now. Come on, Mykel. Who are you kidding?! Stars? Cosmos? Since when did you start patterning your life to these burgeoning excuses!

And now I remember perfectly, like a cumbersome treading of the Academic Oval in UP Diliman. The tryst is with myself. Always been that. If not, maybe an imperfect excuse to string a smile, like a puppet immobile.
Special thanks to Mitzie. I have decided not to quote her verbatim about the "lack of balls" thing. She's right. I have my own two hairy pinkish balls to worry about.

Good morning everyone. I don't need to tell you that this is all about moving on.



Friday, March 26, 2004

I'm Getting Married

Says my friend Isao. She proudly posts it on the Friendster bulletin board. She tells me a few minutes later that those San Beda kids text her, wildly, awed and probably dishevelled because of the news.

My parents want me to get married as soon as possible. Okay. I will. But I have to go to Netherlands first. Or Canada.

And I have to finish my papers first. I have a seminar tomorrow. I have to deconstruct the "simulacra" in the war in Mindanao.

Okay. Enough of the Kafkaist stream-of-consciousness mode. This is a desperate act, this writing, this online journal.

I know for a fact that when the beating starts I should not cringe.

Romance should be the least of my concerns right now. Especially if it suddenly becomes unrequitted. Or it snares of silence. Or floats on false hope. Or paranoia. Or lack of respect for the self.

Everything becomes intertextual -- self-reflexive, as if everything is a referent of one thing, or a springboard of another. Romance should not be formulaic; nor should it be arbitrary.

Where do I lie right now: for(e)grounding or for(e)going?


When I play with my cat, who knows if I am not a pasttime for her more than she is to me?
---Michel deMontaigne---

Weblog Commenting by HaloScan.com